Thursday 26 May 2011

ANG BAUL: An Introduction


Mahirap magsimula mula sa wala. Marahil nakakapagtaka kung bakit Tagalog ang pinili kong maging daluyan ng aking pakikipagtalastasn  sa Blog na ito. Hindi dahil hindi ako marunong sa Ingles but rather (haha) mas maraming makakarelate kapag ang mga salitang ginamit ko ay salitang bukambibig ng lahat. This won't be a pure English or a pure Flipino Blog. You can sometimes read a tag-lish, a pure English or a pure Filipino. At kapag tinopak ako, may Korean, Japanese and other else pa. Kidding aside, naghahanap ako ng isang libangang makakagaan sa aking pakiramdam mula sa stress at pressure na nararanasan ko sa aking pagtatrabaho(By the way, I am currently working as an Engineer in an automotive industry)  Naisip ko na ang pagsulat can sometimes be beneficial to express yourself. Una, dahil may kakayahan kang iorganize ang mga bagay bagay na naiisip mo. Pangalawa, dahil ito ay isang paraan upang ang mga bagay na pumasok sa isipan at that certain time can be documented  at maaari mo pang mabalik-balikan at pangatlo dahil pwede mo itong pagkakitaan (in some rare instances). But the latter is not my purpose of doing this. I just want to document everything that will pop out of my mind.

            Matagal kong pinagiisipan kung anong theme ang maari kong gawin upang magka interes ang mga babasa pero napagtanto ko na bakit ba kagustuhan ng mambababsa ang isasaisip ko gayong ako magsusulat nito at hindi pagmamalaki o ang paghanga nila ang nais ko. So I preferred to make this blog a general-themed blog. Anything: fashion,music,movies, love, hatred, politics kahit ano basta mabigyan ko ng pansin can be a subject. Maaaring mga tanong din mula sa kaibigan ko or any strangers that need to be answered ang maaari kong talakayin.
           
            Nagiisip ako ng maaring maging title ng blog site ko which will discuss anything under the sun and the word BAUL came across into my mind. Yes, maybe this treasure chest will have a general connotation as something that contains old stuff or precious items. But for me its not.

            May bahay kaming luma noon na yari sa kahoy na finofloorwax every other week. Ang mga bintana nito ay yari sa capiz na nalalaglag tuwing may darating na bagyo. I didn't know exactly when it was built basta ang alam ko matagal na kasi lolo ko pa ang nagpagawa nun. We stayed there for almost 10 years. May isang baul dun na nakalagay sa isang mistulang tagong parte ng bahay. Everytime na makikita ko yun my mom always tell me na huwag ko iyon bubuksan kasi it's my Lolo's property who died long time ago. Baka daw kasi dalawin ako kapag pinakialaman ko.

            One evening, wala ang akong mga kalaro, bagot na bagot ako and the treasure chest captured my attention. I checked kung may nakatingin saken, and decided to bring myself in front of that chest. I was hesitant to open but I struggled na labanan ang nanghihina kong mga kamay para maiangat ang cover ng baul. I was expecting golds or even mamahaling mga alahas mula sa baul. As I uncovered it, sumambulat sa aking mga mata ang sampung malalaking daga at maraming ipis. Napatalon ako at nabitiwan ko ang cover. Then someone speaked up "Sabi ko sa'yo wag mo bubuksan eh.haha".my mom was smiling at my back. I then replied "anu bang nasa loob po?" she told me "Wala kung anu ano lang. marami lang mga ipis at daga jan" She lifted the lid and showed me what's inside. Aside from the rats and roaches, I saw some old books, keys, hats and many more.

            Akala siguro niyo kung anung laman. No! I just realized na it can contain different things naman pala. Not a single container can contain just a particular item. You can put whatever you want into it as long as it fits.Hindi laging kung anung ineexpect ang matatagpuan mo dito.  Yes, I chose baul for this matter kasi I know I can put anything into it, let's just don't think literally.

 OO nga pala, one person will also put little treasures inside my baul. Isang taong mahalaga sa akin ko at kasama ko sa paglalakbay at pangangalap ng mga alaala at mga bagay na pupuno sa baul ng aking buhay. SIya ang pinakamamahaling item sa loob ng baul ko na iingatan at hindi hahayaang mawala sa loob nito. Mapapansin niyong hindi lamang ako  ang magcocontribute ng mga blogs dito. Minsan siya rin. Hindi pangkaraniwang ang pagmamahalang mayroon kami, mapapansin ninyo ang lahat ng yan sa mga susunod na mababasa ninyo.
A baul can contain items even memories. So feel free na maghalukay sa BAUL namin at tumuklas ng mga bagay-bagay, may kabuluhan man o wala. Sa ngayon, wla pang laman ang baul namin ngunit sinisigurado naming, sa paglipas ng panahon, aapaw ang mga bagay at moments na nilalaman nito. J

No comments:

Post a Comment